| FYI Mc Donalds is using 100% PURE BEEF patties on their burgers. Mc Donalds airport, Dubai... isang Korean na customer ang pumunta sa restaurant namin para kumain. First time nya lang kumain sa mc donalds. Napatapat siya sa Nepali naming counter crew. Tapos umorder sya.. "Give me one cow burger". Medyo natigilan yung nepali naming crew, nagulat sa narinig , nag isip. Kinuha nya yung picture menu namin. Ginagamit ang picture menu sa mga ibang customer na di nakakaintindi ng english o di alam ang produkto namin. Makikita mo dun ang lahat ng picture ng produkto ng mc donalds ituturo na lang nila kung ano ang gusto nila base sa picture na nakita nila. Natuwa naman ako at napabilib sa customer service nya. Lumapit ako sa kanya dahil sa naging intresado ako sa mga galaw nya. Nag umpisa na siyang magsalita. "Which cow do you like".. sabi nya.Syempre nagulat ako, Itinuturo nya yung mga picture at sinasabing "this is cow, this is cow this is cow , this is cow, which cow do you like. Alam kong mali kaya tinawag ko siya saglit(customer education hehehe syempre beef yun di cow). Sinabi ko sa kanya "we dont have cow burger, it is beef burger" Tumawa sya at nagpaliwanag. "SIR! BEEF COME FROM COW, IF THERES NO COW NO BEEF OK!.SO ITS SAME(oo nga naman. nagmukang tanga pa tuloy ako).natawa na lang ako sabay talikod nya sa akin at balik sa customer. Tanong nya "SO DO YOU LIKE SMALL COW OR BIG COW BURGER" (nag imagine na lang ako na yung isang buong baka nakapalaman sa tinapay mukang masarap nga no heheheh buti na lang di pinoy kundi binatukan ko na hehehe) by: frogging gutom |
This is the official publication of the Ambitious Bitter Frogs. In short, mga kakokakan ng mga ambisyoso at ambisyosang palakang bitter ocampo. Disclaimer: Articles submitted to the site are compilations of different opinions from various contributors. Subject matter per topic may or may not be the sentiment of the whole group. guiltless, faultless, blameless...
Wednesday, June 23, 2010
COW BURGER
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment