Sunday, June 20, 2010

BROCHURE

Dumating na ang araw na pinakaiintay ni Perla, flight na namin puntang Dubai. Mcdonalds U.A.E.. By the way nakilala ko sya sa agency pa lang. Sya yung pinakamaingay na aplikante, katabi ko sya kaya di ko naiwasang tanungin ang pangalan nya. Sabi nya, "from Cebu, my name is PERLA". After ilang months na pag aantay eto na nga at flight na namin. di ko alam kung swerte o malas na nagkataon na pati sa eroplano katabi ko sya. Namukaan ko siya kaya agad kong natanonng kung ano nga uli name nya. Sabi nya, "Oo sabay tayo nag apply by the way my name is PEARLY"(umangat lang ng 2 inches ang eroplano sa pilipnas english na pangalan nya.)
After ng 8 oras na pabalebalentong sa eroplano nakarating din kami sa dubai. Niyaya ko na syang bumaba, sabi ko "Pearly tara na". At ang sabi nya "pede ba PEARL na lang itawag mo sa akin.(nakarating lang ng dubai ang kaninang Perla, Pearl na.) Kahit nakakabwisit napilitan pa rin akong tawagin syang Pearl. Kapansin pansin ang suot nyang pang Centenial(blouse na bulaklakan at sayang abot sa sahig). At lalo pang naging kapansin pansin ng kuhanin nmin ang baghe namin. Wala siyang maleta, nakamalaking bagpack sya at naka sports bag..(try mo kaya isipin nakablouse at saya tapos naka bagpack heheh). Bago mag exit may inspection, sabi nya sa akin "Tara lagay na natin gamit natin sa SCREENER" (screener daw o hahaha akala ko scanner hehehe)syempre di ako tumawa para mas mababa ang kasalanan.
After 2 months of training nagkita kami ni Perla este Pearl. Sa airport din kami na assign. Counter siya, nasa office ako. Ang mga staff sa duty free gumagamit ng meal voucher para sa free food nila. Nakatangap ng meal voucher si Pearl tapos sinabi nya sa kitchen yung order. Nagreply ang mga tao sa kusina pakipunch na lang daw ng order sa register. Tapos sumigaw siya "DI KO PEDENG I PUNCH KASI BROCHURE" (ang layo naman ng brochure sa voucher hehehe). Napalabas ako sa office at nagtanong sa crew,"may nagpapaorder ba ng natasha dyan at merong brochure heheheh.

by: FROGGING GUTOM

No comments:

Post a Comment