Sunday, June 20, 2010

ang bata sa CR

Halos lahat na yata ng lugar sa Pilipinas ay may ghost stories. At syempre, hindi magpapatalo ang lugar kung saan ako nagtatrabaho. Habang tumatagal, padami ng padami - mga sumunod na kwentong mas nakapangingilabot sa nauna. Sa aming opisina, may kumakalat na kababalaghan tungkol sa isang batang mahilig maglaro at mangulit sa mga nagtratrabaho dito. Unang araw pa lamang ng aming orientation, dinalaw agad ang aming grupo ng ligaw na iyak ng musmos na hindi namin nakikita. Natural lamang na kinakabahan ako pag mag isa, lalo na sa mga lugar na may nakaramdam sa batang ito. Isang araw, habang ako'y nasa CR, kita ko sa salamin na merong lumabas sa isa sa mga cubicle gayong kala ko ay mag isa lang ako. Lumapit rin siya sa salamin sa kabilang dulo. Hindi ko siya tiningnan pero alam ko na andun lang siya. Palihim akong lumingon at pagkatingin ko sa kanya, bigla akong nagtatakbo palabas ng CR. Duon iniwan ko ang animo'y isang batang nagulat din sakin.

Makaraan ang ilang araw, naglalakad ako sa hallway ng biglang masalubong ko ulit siya. Wala na kong nagawa kundi yumuko na lamang at lumakad ng matuling. Dahil na-realize kong empleyado rin sya kagaya ko.

Frog Also ;p

No comments:

Post a Comment