Monday, August 30, 2010

bading.com


major major!







--froggysyet. $(^_^)$

Sunday, August 29, 2010

TAMPO

6.13 angry man.jpgMadalas ako magdasal..

pumunta ng simbahan.....

humingi ng tawad, humingi ng tulong...

magpasalamat sa kaunting biyaya na naibigay mo.

paulit ulit...paulit ulit...

di nananawa kahit sa likod ng utak ko..

nagtatanong ........bakit?

Bakit parang di ka nakikinig.

Bawat isang taong nilikha mo..

May kanya kanyang problema..

Isa sa isang libo ang nilikha mong masaya..

Pero syempre tama ka pa rin kasi laging sabi sa linya...

Sa librong gawa ng tao na ipinag utos mo...

Pagsubok lang.. para sa katatagan

At DIYOS KA KASI KAYA DI PEDENG QUESTIONIN.

Sa pagsubok mong paghihirap namin...

Isang katanungang nais ko ring masagot..

Ikaw na isang diyos "ANO ANG PROBLEMA MO"

Bakit mo kami gianaganito...

Pinipilit kong maging mabuting kristyano

Ikanatatakot ang mapunta sa impyerno

Pero minsan naiisip ko

Sa bigat ng paghihirap na inabot ko....

Sa lupit ng sakit at inuluha ko..

ANO PA BANG MERON SA IMPYERNO

Bukod sa mga bagay na ipinaranas mo..

Bakit di mo makita ang nakita ng aking mata....

Kaming mga naglingkod ang tumtangap ng parusa...

Yung nagnakaw.. mayaman na

Yung pumapatay .. kayganda ng buhay,

Yung nagsugal... nagkapera

Yung nanlamang... nanguna

Yung nakiapid ... napakain ang anak nya

At ang pinakamasakit ang mga taong di natakot sayo

Hanggang sa pinakaapo... at dulong dulo...

Kumakain ng di ko nakain at tumatapak sa di ko matapakan

Napuntahan ang di ko marating..

At namatay ng di pinawisan....

Kami na sinubok mo...

Eto ngayon naghahanap ng tulong...

Pero di ko na alam.. ako ngayoy makasalan

Sasabihin ko nang DI KITA MAASAHAN

MAY AWA KA sabi nila

At pangakong balang araw dadating ang ligaya

Siguro nga mainipin lang ako

Para sa 30 pong taon nanawa ako

Pero sana nalalaman mo na MAY MAS AWA ANG TAO

Sa panigin nila kawawa ako....

Ayaw ko na magaya sa mga taong bumigay

Sa hirap kinitil ang buhay..nagnakaw

Nakiapid.. nanira ng buhay..

At nagawa na rin pati ang pagpatay.

Masyadong malikot ang isip ko..

Para isiping sikip na ang paraiso mo.

Kaya marahil natuto ka na ring magtaboy

Ilihis ang mabuti patungong impyerno

Tatangapin kong makasalan ako

At ikagagalit ng marami ang sulating ito..

Pero kung  kayo man ang nasa kalagayan ko...

Di ko ba karapatan ang magTAMPO

.....IPAGPATAWAD MO PO SANA ANG AKING TAMPO

 

 


DAHILAN


Sa tuwing dumadating ang mabigat na problema.. madalas sinasabi ng mga kaibigan ko na lahat ng bagay may dahilan... naisip ko kung bobo lang ako at parang di ko man lang maintindihan. Simula kasi ng magkasakit ang nanay ko andami ko ng tanong ngunit di ko malaman kung ano yung sinsabi nilang dahilan.. gumastos ako ng humigit 150 libo para wala pa ring malinaw na dahilan.. ano ba talaga ang dahilan.. linawin nyo nga...

                Una, nakita ng doktor na may bato sya sa apdo,

                                Ano ang dahilan bakit may bato, nakatagilid ba ang apdo at kailangang kalangan ng bato

                Pangalawa, tinangal ang kanyang apdo,

Ano ang dahilan bakit tinanggal, overweight ba sya,kailangan magbawas ng parte ng katawan para tumama ang timbang.

                Pangatlo, nagkatubig ang baga nya,

Ano ang dahilan, bakit may tubig, nauhaw ba ang baga, o gusto magswimming dahil nag elnino..

                Pang apat,bumagal ang tibok ng puso,

                                Ano ang dahilan bakit bumagal, para di na mainlove kasi 58 na...

                Pang lima, ang mahal ng gamot bakit kailangang 3 tims a day in 6 months

Ano ang dahilan bakit ganon katagal iinom ng gamot, kasi ang bisa ba ng gamot e installment din parang 5-6 lang hulugan, di ba pedeng isang inuman lang kahit kasing laki ng bus basta isang bilihan lang....

 

Hay naku... andaming misteryo sa mundo... sino ba kasi nakainbento ng bakit di sana wala na ring dahil..  


by frogging gutom


Saturday, August 21, 2010

Thursday, August 19, 2010

wonderland

WOULD you still be happy in a place called WONDERLAND?

Wednesday, August 18, 2010

untitled I

I was out of the circuit these past few weeks. After unwinding with WAVE 19, i literally pushed myself to be busy, with of course mentioning nightshift 8pm-1am. :) I intentionally limit my self from temptations-movie marathon, eat-out, and buy-stuffs things. YES, I'm getting to be workaholic. Honestly, i'm loving it.

BUT but but, last friday (the 13th), i had the chance to mingle with my WAVEMATES. They knew about my self-limiting-drama, however, they STILL convinced me to take a break. It was fun going out with friends when you are frustrated with what you've been doing lately. I entertained myself and THEY made me forget that i am actually BUSY.

The following day, 14th, my EX boyfriend and I had a bonding of cooking pastas and more for the outing. Before which, we watched a movie (Tekken). I was indeed relaxed upon seeing that kind of game movie.

I realized then, I shouldn't harass or even spoil myself to its limit, better yet, I SHOULD PAMPER it with enjoyment!

BOTTOMLINE:

Let's unwind people. Chill. Chitchat with friends. Go out.
Have yourself a BREAK. :)

sinetch itech

Sinetch itech..

1.       Station ko to..pag my umupo dito lagot sakin..kukunin ko ang upuan pag siya ay nag-lunch na..hahaha..ang gwapo ko at ang panget-panget mo..hahaha..magaling ako kaya pag nagtanong ka hindi kita tuturuan..

2.       Ayoko sayo, ayoko sayo..ayoko sa skinny..gusto ko pa rin ng elepente..kahit out na dun pa rin ako..hahaha..

3.       Mahilig talaga ako makisawsaw..kahit saan at kailan nakikisawsaw ako..

4.       Mahal kita kahit may mahal ka ng iba. Mahal kita kahit may asawa kana..ok lang sakin na dalawa kami..huhuhu..(iyak iyak iyak)..tsk tsk tsk kawawa..

5.       Bakit siya may picture ako wala..its soooo unfair.

6.       Ang gwapo ko talaga, marami babae nahuhumaling sakin. Kahit yong may mga asawa at anak na eh nabibighani pa rin sa gandang lalaki ko..haaay ang hirap talagang maging feeling pogi. Hindi lang mukha ang sukatan ng pagiging pogi, pwede din daanin nalang sa laki at haba..hahaha..

7.       Hindi ako malandi, nagkataon lang na kapag gusto ko ang isang lalaki eh hindi na ako pa-kyeme. Bibigay na agad ako kahit tatlong araw pa lang kaming magkakilala. Huwat?????

8.       Sana dalawa ang puso ko at pwede ko ibigay yong isa sa malayo at yong isa sa malapit..haaay ang hirap..iyak na lang at tawagin si red horse..

9.       Hindi ako sasama kung hindi ka kasama. You and me against them..nyahahaha..

10.   Kainis wala na ako dun, tsk tsk tsk sa FB na laang ako makiki-tsismis. Balitaan nyo ako lagi ha mga mare at pare..LoLz



tsismosang palaka


Tuesday, August 17, 2010

You belong Blair Waldorf .

"Only a masochist could ever love such a narcissist."



xoxo.
--froggysyet. $(^_^)$

Sunday, August 15, 2010

Thursday, August 12, 2010

*mouth being gagged by fellow frog*



Sabi nga nila,"Its better to accept the fact that you are not appreciated than to insist yourself to someone who never really see your worth."





--froggysyet. $(^_^)$

Sunday, August 8, 2010

Nung kayo ba ay nagiinom at na lasing ikaw ba ay..



1. umiyak kahit walang dahilan?


2.nag bigay ng advice sa kapwa lasing?


3.kumanta ng sintunado?


4.tumawag o nag text ex para mag usap ng non-sense?


5.na inlove na ng madalian?


6. gumalante ng panandalian


7.chinika ang istorya ng buhay sa di naman ka close?


8 nag english speaking kahit wrong grammar?


9. nag sabi na di iinom? :D

--froggysyet. $(^_^)$

pointing fingers


"It's okay that no one informed me but don't blame me for not being told."