Sunday, August 29, 2010

DAHILAN


Sa tuwing dumadating ang mabigat na problema.. madalas sinasabi ng mga kaibigan ko na lahat ng bagay may dahilan... naisip ko kung bobo lang ako at parang di ko man lang maintindihan. Simula kasi ng magkasakit ang nanay ko andami ko ng tanong ngunit di ko malaman kung ano yung sinsabi nilang dahilan.. gumastos ako ng humigit 150 libo para wala pa ring malinaw na dahilan.. ano ba talaga ang dahilan.. linawin nyo nga...

                Una, nakita ng doktor na may bato sya sa apdo,

                                Ano ang dahilan bakit may bato, nakatagilid ba ang apdo at kailangang kalangan ng bato

                Pangalawa, tinangal ang kanyang apdo,

Ano ang dahilan bakit tinanggal, overweight ba sya,kailangan magbawas ng parte ng katawan para tumama ang timbang.

                Pangatlo, nagkatubig ang baga nya,

Ano ang dahilan, bakit may tubig, nauhaw ba ang baga, o gusto magswimming dahil nag elnino..

                Pang apat,bumagal ang tibok ng puso,

                                Ano ang dahilan bakit bumagal, para di na mainlove kasi 58 na...

                Pang lima, ang mahal ng gamot bakit kailangang 3 tims a day in 6 months

Ano ang dahilan bakit ganon katagal iinom ng gamot, kasi ang bisa ba ng gamot e installment din parang 5-6 lang hulugan, di ba pedeng isang inuman lang kahit kasing laki ng bus basta isang bilihan lang....

 

Hay naku... andaming misteryo sa mundo... sino ba kasi nakainbento ng bakit di sana wala na ring dahil..  


by frogging gutom


No comments:

Post a Comment