situation#1 Namataan mo ang isang babae sa isang parking lot na nagpapahid ng sunblock lotion, ano ang sasabihin mo? "MISS DI KA MAPUTI, MAPUTLA KA LANG. ANG KAILANGAN MO DUGO HINDI SUNBLOCK" situation #2 nahulog ang pakaw ng hikaw ng kasama mo sa kanto. Paborito nya yun kaya kailangang makita. ano ang sasabihin mo? "WAG KANG MAG ALALA, ILANG MINUTO NA LANG MAGSHASHABU NA ULI ANG MGA ADIK SA KANTO, LALAKI NA ULI ANG MGA MATA NILA. MAGPAPATULONG TAYO" situation #3 may mataray kang customer, biglang lumapit ang asawa nyang gwapo sa tabi nito, ano ang sasabihin mo? "AMO MO? BIBILISAN KO NA PO NAGMAMADALI PALA ANG AMO MO" situation # 4 isang customer ang ang lumapit sayo humingi ng extra catsup, binigyan mo ng 3. Nagreklamo ang gusto nya maraming maraming catsup. ano ang sasabihin mo? "MISS, MAG EE-SPAGHETI KA BA" situation # 5 isang agent sa floor ang pumasok ng naka offshoulder(di ko alam kung tama spelling hehehe). ano itsitsismis mo? "SINO YUNG NAKA OFFSHOULDER MAGANDA BA SIYA? (at dahil po sa tsismis na to nakagawa ng bagong batas na bawal mag offshoulder pag di maganda hehehe) by: Frogging Gutom |
This is the official publication of the Ambitious Bitter Frogs. In short, mga kakokakan ng mga ambisyoso at ambisyosang palakang bitter ocampo. Disclaimer: Articles submitted to the site are compilations of different opinions from various contributors. Subject matter per topic may or may not be the sentiment of the whole group. guiltless, faultless, blameless...
Monday, June 28, 2010
SCRIPTING
Saturday, June 26, 2010
Wednesday, June 23, 2010
COW BURGER
| FYI Mc Donalds is using 100% PURE BEEF patties on their burgers. Mc Donalds airport, Dubai... isang Korean na customer ang pumunta sa restaurant namin para kumain. First time nya lang kumain sa mc donalds. Napatapat siya sa Nepali naming counter crew. Tapos umorder sya.. "Give me one cow burger". Medyo natigilan yung nepali naming crew, nagulat sa narinig , nag isip. Kinuha nya yung picture menu namin. Ginagamit ang picture menu sa mga ibang customer na di nakakaintindi ng english o di alam ang produkto namin. Makikita mo dun ang lahat ng picture ng produkto ng mc donalds ituturo na lang nila kung ano ang gusto nila base sa picture na nakita nila. Natuwa naman ako at napabilib sa customer service nya. Lumapit ako sa kanya dahil sa naging intresado ako sa mga galaw nya. Nag umpisa na siyang magsalita. "Which cow do you like".. sabi nya.Syempre nagulat ako, Itinuturo nya yung mga picture at sinasabing "this is cow, this is cow this is cow , this is cow, which cow do you like. Alam kong mali kaya tinawag ko siya saglit(customer education hehehe syempre beef yun di cow). Sinabi ko sa kanya "we dont have cow burger, it is beef burger" Tumawa sya at nagpaliwanag. "SIR! BEEF COME FROM COW, IF THERES NO COW NO BEEF OK!.SO ITS SAME(oo nga naman. nagmukang tanga pa tuloy ako).natawa na lang ako sabay talikod nya sa akin at balik sa customer. Tanong nya "SO DO YOU LIKE SMALL COW OR BIG COW BURGER" (nag imagine na lang ako na yung isang buong baka nakapalaman sa tinapay mukang masarap nga no heheheh buti na lang di pinoy kundi binatukan ko na hehehe) by: frogging gutom |
Sunday, June 20, 2010
BROCHURE
| Dumating na ang araw na pinakaiintay ni Perla, flight na namin puntang Dubai. Mcdonalds U.A.E.. By the way nakilala ko sya sa agency pa lang. Sya yung pinakamaingay na aplikante, katabi ko sya kaya di ko naiwasang tanungin ang pangalan nya. Sabi nya, "from Cebu, my name is PERLA". After ilang months na pag aantay eto na nga at flight na namin. di ko alam kung swerte o malas na nagkataon na pati sa eroplano katabi ko sya. Namukaan ko siya kaya agad kong natanonng kung ano nga uli name nya. Sabi nya, "Oo sabay tayo nag apply by the way my name is PEARLY"(umangat lang ng 2 inches ang eroplano sa pilipnas english na pangalan nya.) After ng 8 oras na pabalebalentong sa eroplano nakarating din kami sa dubai. Niyaya ko na syang bumaba, sabi ko "Pearly tara na". At ang sabi nya "pede ba PEARL na lang itawag mo sa akin.(nakarating lang ng dubai ang kaninang Perla, Pearl na.) Kahit nakakabwisit napilitan pa rin akong tawagin syang Pearl. Kapansin pansin ang suot nyang pang Centenial(blouse na bulaklakan at sayang abot sa sahig). At lalo pang naging kapansin pansin ng kuhanin nmin ang baghe namin. Wala siyang maleta, nakamalaking bagpack sya at naka sports bag..(try mo kaya isipin nakablouse at saya tapos naka bagpack heheh). Bago mag exit may inspection, sabi nya sa akin "Tara lagay na natin gamit natin sa SCREENER" (screener daw o hahaha akala ko scanner hehehe)syempre di ako tumawa para mas mababa ang kasalanan. After 2 months of training nagkita kami ni Perla este Pearl. Sa airport din kami na assign. Counter siya, nasa office ako. Ang mga staff sa duty free gumagamit ng meal voucher para sa free food nila. Nakatangap ng meal voucher si Pearl tapos sinabi nya sa kitchen yung order. Nagreply ang mga tao sa kusina pakipunch na lang daw ng order sa register. Tapos sumigaw siya "DI KO PEDENG I PUNCH KASI BROCHURE" (ang layo naman ng brochure sa voucher hehehe). Napalabas ako sa office at nagtanong sa crew,"may nagpapaorder ba ng natasha dyan at merong brochure heheheh. by: FROGGING GUTOM |
bookface okrayan #1

Itago na lang natin siya sa pangalang Junatan...
(See notes in blue ;p)About Me
| Basic Info |
| ||||||||||||||||||
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Bio | meet me and you discover. (?) i love surfing the net and find prospect girlfriends. i come from politic family (apelido mo?) . my father is a right hand of our barangay chairman before in my beloved hometown at victoria northern samar. (I ain't saying, I'm just saying...) im very pihikan in relationship. i want perfect gf because i believe im perfect (choosy ka pa ng lagay na yan ha...). i make girls pregnant but its not my problem. they love my body its there problem. (Now, there's the problem or their?.... *clap* *clap*). | ||||||||||||||||||
ang bata sa CR
Halos lahat na yata ng lugar sa Pilipinas ay may ghost stories. At syempre, hindi magpapatalo ang lugar kung saan ako nagtatrabaho. Habang tumatagal, padami ng padami - mga sumunod na kwentong mas nakapangingilabot sa nauna. Sa aming opisina, may kumakalat na kababalaghan tungkol sa isang batang mahilig maglaro at mangulit sa mga nagtratrabaho dito. Unang araw pa lamang ng aming orientation, dinalaw agad ang aming grupo ng ligaw na iyak ng musmos na hindi namin nakikita. Natural lamang na kinakabahan ako pag mag isa, lalo na sa mga lugar na may nakaramdam sa batang ito. Isang araw, habang ako'y nasa CR, kita ko sa salamin na merong lumabas sa isa sa mga cubicle gayong kala ko ay mag isa lang ako. Lumapit rin siya sa salamin sa kabilang dulo. Hindi ko siya tiningnan pero alam ko na andun lang siya. Palihim akong lumingon at pagkatingin ko sa kanya, bigla akong nagtatakbo palabas ng CR. Duon iniwan ko ang animo'y isang batang nagulat din sakin.
Makaraan ang ilang araw, naglalakad ako sa hallway ng biglang masalubong ko ulit siya. Wala na kong nagawa kundi yumuko na lamang at lumakad ng matuling. Dahil na-realize kong empleyado rin sya kagaya ko.
Frog Also ;p
Makaraan ang ilang araw, naglalakad ako sa hallway ng biglang masalubong ko ulit siya. Wala na kong nagawa kundi yumuko na lamang at lumakad ng matuling. Dahil na-realize kong empleyado rin sya kagaya ko.
Frog Also ;p
jeep
sabi nila dapat pag nasa public kumilos ng ayos.. yung hindi naman nakakahiya.. sa jeep nung papunta kami SM Batangas ng twin bff ko may na kasabay kami sa jeep 2 rin girls.. chika chorva. ayun maya maya. nag bunot na ng kilay sa jeep. :D
sabi ni twin okay lang daw un kesa naman buhok sa kili kili ang binubunot.
the end. :)
froggysyet. $(^_^)$
sabi ni twin okay lang daw un kesa naman buhok sa kili kili ang binubunot.
the end. :)
froggysyet. $(^_^)$
Subscribe to:
Posts (Atom)


