Sunday, August 29, 2010

TAMPO

6.13 angry man.jpgMadalas ako magdasal..

pumunta ng simbahan.....

humingi ng tawad, humingi ng tulong...

magpasalamat sa kaunting biyaya na naibigay mo.

paulit ulit...paulit ulit...

di nananawa kahit sa likod ng utak ko..

nagtatanong ........bakit?

Bakit parang di ka nakikinig.

Bawat isang taong nilikha mo..

May kanya kanyang problema..

Isa sa isang libo ang nilikha mong masaya..

Pero syempre tama ka pa rin kasi laging sabi sa linya...

Sa librong gawa ng tao na ipinag utos mo...

Pagsubok lang.. para sa katatagan

At DIYOS KA KASI KAYA DI PEDENG QUESTIONIN.

Sa pagsubok mong paghihirap namin...

Isang katanungang nais ko ring masagot..

Ikaw na isang diyos "ANO ANG PROBLEMA MO"

Bakit mo kami gianaganito...

Pinipilit kong maging mabuting kristyano

Ikanatatakot ang mapunta sa impyerno

Pero minsan naiisip ko

Sa bigat ng paghihirap na inabot ko....

Sa lupit ng sakit at inuluha ko..

ANO PA BANG MERON SA IMPYERNO

Bukod sa mga bagay na ipinaranas mo..

Bakit di mo makita ang nakita ng aking mata....

Kaming mga naglingkod ang tumtangap ng parusa...

Yung nagnakaw.. mayaman na

Yung pumapatay .. kayganda ng buhay,

Yung nagsugal... nagkapera

Yung nanlamang... nanguna

Yung nakiapid ... napakain ang anak nya

At ang pinakamasakit ang mga taong di natakot sayo

Hanggang sa pinakaapo... at dulong dulo...

Kumakain ng di ko nakain at tumatapak sa di ko matapakan

Napuntahan ang di ko marating..

At namatay ng di pinawisan....

Kami na sinubok mo...

Eto ngayon naghahanap ng tulong...

Pero di ko na alam.. ako ngayoy makasalan

Sasabihin ko nang DI KITA MAASAHAN

MAY AWA KA sabi nila

At pangakong balang araw dadating ang ligaya

Siguro nga mainipin lang ako

Para sa 30 pong taon nanawa ako

Pero sana nalalaman mo na MAY MAS AWA ANG TAO

Sa panigin nila kawawa ako....

Ayaw ko na magaya sa mga taong bumigay

Sa hirap kinitil ang buhay..nagnakaw

Nakiapid.. nanira ng buhay..

At nagawa na rin pati ang pagpatay.

Masyadong malikot ang isip ko..

Para isiping sikip na ang paraiso mo.

Kaya marahil natuto ka na ring magtaboy

Ilihis ang mabuti patungong impyerno

Tatangapin kong makasalan ako

At ikagagalit ng marami ang sulating ito..

Pero kung  kayo man ang nasa kalagayan ko...

Di ko ba karapatan ang magTAMPO

.....IPAGPATAWAD MO PO SANA ANG AKING TAMPO

 

 


No comments:

Post a Comment